mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si vivian muñoz

  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz
  • Vivian Muñoz

Tungkol sa Akin

Ako’y isang Mormon. Isinilang ako sa isa sa mga unang pamilya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa magandang bayan kong Chile. Bata pa ako, palabasa na ako; ibig kong sabihin, mahilig akong mag-aral at matuto, at kalaunan ay nahilig ako sa siyensya at medisina. Nag-aral ako sa University of Chile, doon nagtapos bilang doktor, at 27 taon ang ginugol ko sa panggagamot at paghadlang sa mga sakit na may kinalaman sa nutrisyon, tulad ng sobrang katabaan at diabetes. Mga 15 taon akong nagtrabaho sa mga istasyon ng telebisyon bilang panelist sa mga programa sa umaga, na nagtuturo sa mga tao na maging malusog, at hinihikayat silang maging interesado sa mga paksang ito. Kaygandang oportunidad na magturo tungkol sa mga alituntunin ng Ebanghelyo, kung paano alagaan ang ating katawan bilang mga templo, tulad ng natutuhan ko sa aking mga guro sa Simbahan, at sa unibersidad!!! Nagpakasal ako sa isang kahanga-hangang lalaki, na missionary noon ng Simbahan sa Argentina, at nagkaroon kami ng 7 magagandang anak, at dalawang apong lalaki, at apong babae na isisilang sa Agosto 2015. Tuwang-tuwa akong maging miyembro ng Simbahan. Namamangha akong malaman na si Jesus ang Cristo, ang ating Tagapagligtas, at huwaran natin … at na ang mga pamilya ay hindi kailangang magwakas sa kamatayan—maaari itong maging walang hanggan!!! At alam ko kung paano gawin ito!!!

Bakit Mormon Ako

Mapalad akong maisilang sa pamilyang mayroon nang katotohanan ng Ebanghelyo, kaya bata pa ako ay nagabayan na ako sa kabutihan. Kalaunan, nag-aral ako sa isang paaralang Katoliko, na pinakamaganda sa lungsod na kinalakhan ko (kaya ako inenrol doon ng mga magulang ko), at dahil alam ko na ang relihiyong iyon, pati na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, nalaman ko sa sarili ko, nang may buong katiyakan sa puso ko, na ang kaharian ng Diyos sa lupa, at ang Kanyang awtoridad, at ang buong katotohanan, ay matatagpuan sa Simbahan kung saan ako naturuan ng aking mga magulang. Sa puso ko, nadama ko ang mga sagot sa aking mga dalangin, at pinagtibay sa akin ng Diyos na ito ang Kanyang katotohanan, at ang pinakamagandang lugar na dapat kong kalagyan, at ng aking mga anak.

Personal na mga Kuwento

Paano ka natulungan ng Espiritu Santo?

Bata pa ako, nagkaroon na ako ng kakaiba at espesyal na karanasang makipag-ugnayan sa aking Lumikha, sa personal na panalangin. Sa maraming pagkakataon, nagkaroon na ako ng mga damdamin, ideya, at pakiramdam ng kapayapaan, kapanatagan, at patnubay kapag humihingi ako ng tulong sa Kanya at ng mga sagot sa mga problema ko. Naaalala ko ang madidilim, maulan, at malalamig na gabi na nagigising akong takot na takot noong bata pa ako, at nagdarasal ako nang may pananampalataya, na alisin ng Diyos ang takot ko, at napapayapa ako, na muling nadarama na nawala ang takot ko, bumabalik ang init ng pakiramdam, kapayapaan, at seguridad, sa pagkaalam na naroon Siya, na kilala Niya ako, na mahalaga ako sa Kanya, na mahal Niya ako, at hangad Niya ang pinakamainam para sa akin. Kaya nga sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, nakikipag-ugnayan Siya sa akin, anuman ang hilingin ko sa Kanya nang may pananampalataya. Gayundin, tuwing sumasamo ako sa Kanya na tulungan akong makita ang isang bagay na naiwala ko, na mahalaga sa akin, maaari akong bumalik at maghanap sa lugar na pinaghanapan ko na, at maraming beses kong natatagpuan ang naiwala ko, ngunit matapos ko lang itong hilingin sa Kanya, at hindi bago ko hilingin iyon. Kalaunan, tuwing may makikilala akong binatang nakakawili o espesyal, humihingi ako ng patnubay sa aking Ama sa Langit, upang malaman kung tutulungan Niya akong makita ang tamang lalaking para sa akin. At sa tuwina, tumanggap ako ng sagot; maraming beses akong sinagot ng “Hindi,” at minsan lang ako sinagot ng “Oo”!! At kagila-gilalas ang araw na iyon!

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Tuwing Linggo maagang gumigising ang aming pamilya para magsimba, at pinapanibago namin ang mga tipang ginawa namin nang binyagan kami. Nakakatuwa na kahit hindi kami laging nagkikita-kita, ginagawa rin ito ng mga anak kong sina Andrea at Francisco, na may-asawa na, saan man sila nakatira, at ginagawa rin nila ang mga bagay na ginagawa namin, sa kanilang mga anak. Lagi kaming may koneksyon!!! Alas-5:00 ng umaga, gising na sina Agustin (edad 14) at Elizabeth (edad 16), tulad ng mga ate at kuya nila noong kaedad nila ang mga ito, para dumalo sa Seminary, nang alas-6:00 ng umaga, sa chapel namin, Lunes hanggang Biyernes, at mula roon ay pumapasok sa eskuwela (gaya noong kaedad nila ako, at sa loob ng apat na taon!!!). Magagalak ang kaluluwa mo kapag narinig mo sa mga inspiradong guro ang mga walang-hanggang katotohanan ng Diyos para sa buhay natin, at malalaman mo ang sagot sa mga problema ng mga kabataan, at ang mga bagay na walang hanggan. Hindi ko mawari ang buhay ko na wala ang Simbahan. Ang mas malaking bahagi ng kaligayahan ko bilang anak, kapatid, asawa, at ina, ay nagmula sa natutuhan at naranasan ko nang sikapin kong ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.