mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Nuria

  • Nuria Martinez
  • Nuria Martinez
  • Nuria Martinez
  • Nuria Martinez
  • Nuria Martinez

Tungkol sa Akin

Simple lang akong tao at ipinagpapasalamat ko ang buhay ko, kung paano, saan at sino ang kasama ko. Una, sino ang kasama ko. May mabait akong asawa at dalawang anak na magaganda. Paano ako namumuhay: Nagagawa ko ang dalawang bagay na gusto kong gawin at marating: maging ina at turuan at patatagin ang iba gamit ang musika. At ang huli, na mahalaga rin, ay saan: Nakarita ako sa mahal kong Puerto Rico kung saan ako lumaki. Natira kami sa iba pang magagandang lugar, pero mapalad kami na mapalaki ang aming pamilya sa lugar na kahit hindi perpekto ay napakasaya at dama naming amin, at sinisikap naming mag-ambag sa abot-kaya namin. Bukod pa riyan, pangarap kong makapunta sa Italy balang-araw. Gusto kong matuto pa ng photography, at almusal ang paborito ko sa lahat.

Bakit Mormon Ako

Sisimulan ko sa lahat ng pakinabang ko sa pagiging Mormon: Patnubay, katiyakan, pag-asa, pananaw, kaalaman, napakaraming biyaya, atbp. Para sa akin ito ang mga dahilan kaya Mormon ako. Gayunman, resulta lang ang mga ito, hindi ito ang talagang dahilan. Mormon ako dahil nadama at nalaman ko na ipinanumbalik ng Diyos ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, pati ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Mormon ako dahil nadama at nalaman ko na ang Aklat ni Mormon ay sagradong aklat na inilaan sa ating panahon, at ito ay salita ng Diyos. Mormon ako dahil alam kong kinakausap pa rin ng Diyos ang tao, at pinadadaan Niya ito sa propeta, si Pangulong Thomas S. Monson. Mormon ako dahil nagtanong ako at nakatanggap ng sagot, at pinagtitibay ko ito bawat araw.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Tinutulungan ko ang iba sa pamamagitan ng musika. Natutulungan ko ang mga bata na matutuhan ang mga awitin tungkol kay Jesucristo at kung ano ang itinuro at ginawa Niya. Kahanga-hanga na malaki ang nagagawa ng awitin sa pagtuturo at pagtulong na madama nila ang mga katotohanang iyon. Hindi ako nagsasawang magturo, nakikita ko ang sigla sa mga mata nila kapag may bagong inilahad sa kanila, ang pagpapraktis nila, at paano nila ito pinaghuhusay. Gustung-gusto nila kapag sinasaliwan ko sila sa piyano. Gusto ko ring gamitin ang kaalaman ko sa mga programa ng musika na nagpapatatag sa mga kalahok at manonood. Kailangan dito ang maraming oras at pagsisikap, at sa huli, kung may pusong napalambot dahil sa musika, sulit ito.