mormon.org Pandaigdigan

Maaari ka bang magkuwento tungkol sa iyong binyag?

  • Nabinyagan ako noong 23 anyos ako matapos basahin ang Aklat ni Mormon at maturuan ng mababait na Mormon missionary. Napakagandang sandali iyon ng aking buhay, isang bagong panimula sa pagsunod sa halimbawa at mga aral ni Jesucristo. Makalipas ang 35 taon naaalala ko pa ang kasabikang mabinyagan at ang payapang damdaming kaakibat ng karanasang iyon. Nabiyayaan akong mabuti mula nang araw na iyon, nagkaroon ng maraming talento at umunlad sa paglilingkod sa aming mga kaibigan at kapitbahay. Maganda at patuloy na gaganda ang paglalakbay na ito. Ipakita ang iba pa

  • Ang ganda. Ipakita ang iba pa

  • Lahat ng binyag ay mahalaga at espesyal. Minsan sa dagat, sa ilog o yung mas common ay sa church baptismal font If you want to know chat with the missionaries Ako ay bininyagan sa isang waterfalls kasama ang aking kakambal. Ipakita ang iba pa

  • Nabinyagan ako noong 2001. Nakakatuwa talaga. Lahat ay bago sa akin dahil bata pa ako ay Katoliko na ako. Ang pamilya ko at asawa ko ay naroon sa binyag ko. Ipakita ang iba pa

  • Noong nag-ayuno at nanalangin ako para malaman kung Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, o mga Mormon ang Totoong Simbahan ng Diyos at nakatanggap ako ng sagot na ito nga iyon, natiyak kong kailangan akong mabinyagan. Hindi ko malilimutan ang araw nang ilubog ako sa tubig ng isang awtorisadong priesthood holder at umahon mula sa tubig na nadamang nalinis sa dati kong mga kasalanan. Ipakita ang iba pa

  • Walong taong gulang ako noon sa Edmonton, Alberta, Canada. Ang tatay ko ang nagbinyag at nagkumpirma sa akin bilang miyembro ng simbahan. Makapal ang niyebe at malamig noon pero dahil katabi ako ni Itay at hawak ang kanyang kamay, nadama ko ang init, seguridad at pagmamahal. Tatlong taon na siyang patay pero kapag nakapikit ako dama ko pa ring hawak niya ang munting kamay ko. Ipakita ang iba pa

  • Kung katulad kita, nagkunwari kang isang prinsesa noong maliit ka pa. Siguro nagbihis prinsesa ka noon, nagsuot ng korona, humawak ng setro, at nag-ikot sa silid na parang prinsesa. Nakakatuwa! Naaalala mo ang damdaming iyon. Nabinyagan ako noong walong taong gulang ako. Naaalala ko pa iyong mabuti, dahil naaalala ko ang nadama ko noon. Nakasuot ako ng puting damit at nakaupo sa tabi ng tatay ko sa chapel ng aming simbahan. Puti rin ang suot ng tatay ko, dahil siya ang kasama kong lumusong sa tubig para siya ang magbinyag sa akin. Mahuhugasan na ang mga kasalanan ko, at natiyak ko (sa 8 taong gulang na isipan ko) na nakatingin sa akin ang Diyos mula sa kalangitan nang araw na iyon. Sigurado akong nakikita Niya ako, at ipinagmamalaki Niya ako. Ang ganda ng pakiramdam ko na isipin iyon. Iniisip mo siguro kung ano kaya ang maaaring nagawang kasalanan ng isang 8 taong gulang. Naturuan ako na ako na ang mananagot sa mga iniisip at ginagawa ko. Tinuruan ako na ang nakasasakit na gawa o maling nagawa ay maliliit na hakbang tungo sa maling landas. Naniniwala ako na ang binyag ang unang hakbang para makabalik sa piling ng Diyos kapag tapos na ang buhay na ito. Tinuruan akong gawin ko ang lahat sa abot-kaya ko, at palaging maging masaya sa aking ginagawa hangga’t maaari, at pagbutihin ko. Lahat ay nagkakamali. Ang landas tungo sa kaligayahan, at mas mabuting pagkatao ay magaganap sa pagkilala kaagad sa mga pagkakamaling iyon, pagtutuwid sa maling nagawa, pagtatapat sa taong nagawan ng pagkakamali, o pananalangin at patuloy na pagsisikap. Sa binyag ko hindi ko nadamang maringal akong prinsesa kundi nadama kong mas bumuti ako at kakaiba. Nalaman kong nasa tamang landas ako, at ang ganda ng pakiramdam na iyon. Ipakita ang iba pa

  • Nabinyagan ako noong 10 taong gulang ako. Binisita ko ang pamilya ko sa Wyoming, kung saan ibinalot ako ng nanay at mga tita ko sa puting kumot. Binutasan nila sa gitna ang kumot para lumusot ang ulo ko at pagkatapos ay tinalian ng lubid ang baywang ko para makagawa ng damit-pambinyag. Nang lumusong ako sa natunaw na snow ng Crow Creek, akala ko mamamatay ako sa lamig. Mga huling araw na iyon ng Agosto, pero kasing-lamig ng tubig ng Enero. Nang umahon ako mula sa ganap na pagkalubog, hanggang tuhod ko ang putik na yelo. Mabilis akong iniahon ng tito ko sa pampang ng ilog, kung saan ibinalot ako sa makapal na kumot at iniupo sa troso. Sa trosong iyon ko naunawaan ang tungkol sa Espiritu Santo. Itinuro sa akin na ang Espiritu Santo ay miyembro ng Panguluhang Diyos, ang miyembrong kilala bilang Mang-aaliw. Habang nakaupo roon na nababalot ng makapal na kumot, nadama ko kung paano mabalot sa pagmamahal ng ating Mang-aaliw. Para sa akin Siya ay isang kaibigan sa langit na makakapiling ko basta’t namuhay ako nang marapat sa kaloob na iyon. Habang nakabalot ng kumot, nadama ko ang pagmamahal na sumaakin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Para akong ibinalot nito sa kumot na iyon, minamahal, ligtas, at payapa habang ako ay nabubuhay. Alam ko na ngayon na maraming beses na akong pinanatag ng Mang-aaliw na iyon sa mahihirap na oras sa buhay ko. Sinisikap kong mamuhay nang marapat sa Kanyang presensya araw-araw. Ang mga pahiwatig na piliin ang tama, iwasan ang panganib, palambutin ang matigas na puso, o aliwin ang nalulungkot ay pawang mga pagpapala ng araw na iyon sa malamig na tubig ng Crow Creek! Ipakita ang iba pa

  • Talagang simple lang ito. Naroon ang kapatid kong babae at panatag na ako. Hindi ko alam ang mga sagot sa lahat ng bagay pero may sagot ako sa mahahalagang bagay at may pananampalataya ako sa Diyos. Nanampalataya ako na ang lahat ay ihahayag sa takdang oras. Ipakita ang iba pa

Walang mga Resulta