mormon.org Pandaigdigan

Tungkol sa Akin

  • Dahil sa trabaho ko nalibot ko na ang buong isla ng Ireland. Iyon ang pinakagusto ko. Magandang bansa na may klima na maaaring maging “apat na panahon sa isang araw.” Mahilig akong umakyat ng burol at nakilala ko ang asawa ko sa isang mountain leadership course. Kami ngayon ay may tatlong anak at dalawang apo. Masaya akong maging ama at lolo. Ipakita ang iba pa

  • Buong buhay ko ay sa UK ako nakatira. Gustung-gusto kong kasama ang pamilya ko, bumisita sa mga exhibition, magdisenyo at magmadyik (hindi ako bihasa rito). Nagtatrabaho ako ngayon bilang arkitekto. Ipakita ang iba pa

  • Ako’y ika-3 henerasyong dairy farmer. Noong binata ako gustung-gusto ko sa bukid, at gusto kong tumulong sa mga magulang ko at 8 kapatid. Gusto kong palakihin ang mga anak ko sa gayon ding paraan. Nakatapos ako sa kolehiyo, at bumalik sa dairy. Nakilala ko ang mahal ko noong pangalawang taon ko sa kolehiyo, at pinakasalan ko siya. Sinimulan namin ang aming pamilya, at nagkaanak kami ng isang lalaki at apat na babae. Masaya kaming maging bahagi ng buhay nila at natutuwa kami ngayon sa aming mga apo. Naniniwala ako na sa kasipagan at pagtutulungan, natuto ang aming mga anak, at mga apo, ng paggalang sa pamilya at buhay. Sumapi ako sa Search and Rescue, natanggap ko ang aking EMT Certification at sumapi ako sa volunteer ambulance organization ng bansa. Ang paglilingkod at paggawa ng kaibhan sa buhay ng mga tao sa aming komunidad ay labis na nakagalak sa akin. Ipakita ang iba pa

  • Karaniwang pamilya kami na maingay, maraming ginagawa, at mabalahibo (salamat sa malaki naming aso na palaging nababawasan ng balahibo!) na binubuo ng anim na tao. Bilang dating football player sa kolehiyo, at tapos ay NFL player sa loob ng 4 na taon … nagpalipat-lipat kami nang MADALAS. Isinilang ang 3 sa 4 naming anak nang lumipat kami mula Utah papuntang New York hanggang Tennessee, at sa huli ay sa Chicago … at ang galing na namin sa mga laro na may mga luggage cart, elevator, at de-gulong na maleta! Maligaya kami na sa wakas natututo na kaming mamuhay “nang tahimik” sa isang munting bayan. Ipakita ang iba pa

  • Taga Utah ako. Ang edad ko ay 23. May asawa akong Pilipina. Nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Dalawa ang course ko doon, politika at proadcast Journalism. Umasa akong magiging journalist sa radyo o sa TV. Sa ngayon, gumagawa ako ng isang radio show sa paaralan ko. Ipakita ang iba pa

  • Hindi ako karaniwang Mormon. Sa kongregasyon namin kilala ako bilang lalaking matangkad na mahaba ang buhok na nagsusuot ng bow tie at sandal sa simbahan -- parang kombinasyon ng Mormon at hippie. Nagustuhan ko ang sandals noong river guide ako sa Colorado River at Green River nang tatlong taon, at ngayon ito na rin ang suot ko maliban kung nagdi-jogging ako o sakay ng aking bisikleta; nagustuhan ko ang mga bow tie noong tinedyer pa ako at naghahanap ng kaibang maisusuot sa simbahan, at nakasanayan ko na mula noon. At mabilis humaba ang buhok ko kahit ano pa ang gawin ko. Ang mahalagang bahagi ng buhay ko ngayon ay ang pagiging asawa at katuwang ng aking pinakamatalik na kaibigan, ama ng dalawang tinedyer na babae at isang anak na lalaki (at isang exchange student mula sa Russia sa taong ito), pagtuturo ng biology sa maliit na unibersidad, at paghahanda para sa half-ironman triathlon sa darating na tag-init. Minsan sa dami ng ginagawa ko nadarama kong kulang pa ang oras ko, pero may mga sandali na masaya ako kapag kasama ko sa paglalakad ang asawa ko, nakikitang natututo ng mahalagang aral ang mga anak ko, o tumatanggap ng papuri mula sa isang estudyante dahil natulungan ko sila, at iyan ang nagtutulak sa akin para magpatuloy sa buhay. Ang isa pang nagpapanibago ng aking lakas ay ang pagbabakasyon namin taun-taon. Gustung-gusto kong isinasama ang pamilya ko at mga kaibigan sa pagpunta sa ilog kung saan malayo kami sa kabihasnan o hindi magamit ang cell phone sa loob ng apat o limang araw, o pagpunta sa cabin ng aking lolo kung saan walang TV o internet -- iyan ang buhay! Ipakita ang iba pa

  • Nakatira ako sa Chiba Prefecture, at may lima akong anak. Ang Japan ay isang bansa kung saan ang fertility rate ay patuloy na bumababa, kaya nagugulat ang iba na lima ang anak ko, pero masaya akong mamuhay na napaliligiran ng magagandang mga bata. Bilang negosyante, marami akong ginagawa araw-araw, pero masaya ang buhay ko dahil sa balanse ang oras ko sa trabaho, oras sa pamilya, at oras para sa sarili ko. Kapag day-off ko, nagsese-surfing ako sa mga alon sa dagat, at nababawasan ang stress ko kapag nakasakay sa sa aking Harley Davidson motorcycle—inabot ng anim na taon para makumbinsi ko ang asawa ko na payagan akong bilhin iyon! Ang isa pang dahilan kung bakit nagagawa ko ang mga bagay na ikinasisiya ko ay dahil sa maunawain ang asawa ko. Salamat! Ipakita ang iba pa

  • Pagkauwi ko mula sa full-time mission sa South Africa, natanto ko na hindi ko matutulungan ang lahat ng tao sa lahat ng lugar, pero matutulungan ko ang isang tao saan man. Pakiramdam ko ay sa pagiging guro ko matutupad ang personal na misyong iyan. Gustung-gusto ko na may bago akong nakikilala at pinatitibay ang matagal nang pagkakaibigan. Nasisiyahan ako sa maraming bagay: kapag kasama ko ang aking pamilya, pagkain ng masasarap na pagkain, pagiging matchmaker, at pagsasayaw! Ipakita ang iba pa

  • Mahilig akong mag luto at kumain ng mga street foods. Mahilig din akong mag basa ng mga scriptures. Ipakita ang iba pa

  • Kami ng asawa kong si Leslie ay may 5 anak, 8 apo, at marami pang paparating. Gusto namin ang Northwest na bahagi ng Amerika, Snowskiing, Waterskiing, pamamangka, atbp. Ang aming mga anak ang aming kagalakan. Ako ang nangangasiwa sa mga bahay-kalinga para sa kababaihan at mga bata, at sa isang street program na layong muling pagsamahin o ibalik ang mga palaboy sa kanilang mga pamilya. Mahigit 20 taon na naming pinangangasiwaan ni Leslie ang Mamma’s Hands at marami na kaming nakitang mga himala sa buhay ng mga tao at sa buhay namin. Hilig ko ang musika at matagal nang nagpapraktis tumugtog ng gitara, piano, trumpet at harmonica, kaya dapat mahusay na akong tumugtog pero hindi pa rin. Ikinasal kami ni Leslie noong 1976. Noong una ay salat kami sa pera. Paglalagay ng karpet ang trabaho ko noon at si Leslie ay sa bahay lang kasama ng mga bata. Matapos ang ilang malalaking hamon, nadama ko na parang wala nang pag-asang bumuti pa ang aking katayuan. Noon ko nakilala ang dalawang palaboy na lalaki na nagpabago sa aking buhay. Nang makita ko ang hirap nila napahalagahan ko ang napakagandang kaloob sa akin--ang aking pamilya. Noon nagsimulang magbago ang aking propesyon. Makalipas ang ilang taon natagpuan ko ang sarili ko na nangangasiwa sa mga bahay-kalinga at tumutulong sa mga palaboy sa lansangan. Habang nasa paaralan ang lahat ng anak namin, nagtrabaho si Leslie nang part time sa pagbebenta ng real estate. Isa siya sa mga nangungunang realtor sa Seattle area, ilang taon na rin ngayon, kaya nagagawa ko ang pinakamabuting nagagawa ko. Napakaganda talaga ng buhay ko. Nagtuturo din ako sa CTR B sa Primary na klase ng mga limang taong gulang na bata sa simbahan. Gustung-gusto ko ito at oo, Mormon ako. Ipakita ang iba pa

Walang mga Resulta