mormon.org Pandaigdigan

Ano ang ginagawa mo para mapatatag ang iyong pamilya at maging matagumpay ito?

  • Masaya akong kapiling ang pamilya ko. Matagal bago ko natanto kung gaano kahalaga ang pamilya. Dahil iyon sa akin ... makasarili ako noon pero alam kong sila ang yaman ko! Iginagalang ko ang kanilang oras at kalagayan at kapag nawawalan sila ng pag-asa, tinutulungan ko sila. Mahalaga ang pamilya! Nakakatuwang makitang may bahagi ng pagkatao ko sa bawat isa sa kanila. WOW! Ipakita ang iba pa

  • Una sa lahat, lagi kaming magasawa nakikipagusap tungkol sa kalagayan ng family namin. Bagong kasal kasi kami kaya marami kaming pagsubok sa buhay namin pero lagi kami nakikipagusap at nanalangin bilang pamilya. Ipakita ang iba pa

  • Tuwing Lunes, nagdaraos kami ng gabing pampamilya. Ito ang paboritong gabi ng mga anak ko. Sama-sama kami sa pagkanta at pananalangin at pagkatapos may nagtuturo ng maikling lesson, halimbawa, tungkol sa pagbabahagi o paglilingkod o panalangin at naglalaro kami gaya ng duck, duck, goose at may meryenda kami. Inaasam namin ito at nakatutulong ito sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bahay na madalas ay maingay. Ipakita ang iba pa

  • Ang pamilya ko ang pinakamahalaga sa akin … kung minsan dahil sa dami ng ginagawa ito na ang nagtatakda ng aming iskedyul, lalo akong gumagawa ng paraan para “di kami masyadong maging abala.” Sinikap naming dumistansya nang kaunti sa daigdig … huwag pansinin ang telepono, patayin ang TV at computer at magsama-samang tulad ng dati bilang pamilya. Kapag masyado kaming abala, nagtatanong ang mga bata, “Puwede po bang magsama-sama tayong “Pamilya Lang” ngayong gabi?” Karaniwang ito ay mga laro, popcorn, pagpapainit sa tabi ng fireplace … kahit ano, basta sama-sama!!! Ipakita ang iba pa

  • Family Home Evening,Family Scripture Study, Family prayer and visiting other members of the church! Ipakita ang iba pa

  • Nag-uukol kami ng oras na magkasama-sama ang pamilya, pinag-uusapan namin ang mga nangyayari sa buhay namin araw-araw, at ang ebanghelyo. Ipakita ang iba pa

  • Pampamilyang pagdarasal po.Ipinagdarasal ko po sila at saka ginagawa ko pong halimbawa ang aking sarili Ipakita ang iba pa

  • Magkasama kaming mag-asawa sa pagdarasal sa umaga at gabi, at may personal din kaming panalangin. Pinag-aaralan din namin ang mga banal na kasulatan nang magkasama at nang mag-isa. Bukod pa rito, may isang gabi kami bawat linggo gaya ng hinihikayat ng Simbahan, ang araw ng Lunes, at kahit abala kung minsan ang araw na ito, tama lang na tuwing Lunes din ang aming oras para sa “family home evening.” Sama-sama kaming kumakanta ng himno, nagpaplano para sa buong linggo, nagbabahagi ng espirituwal na kaisipan, at magkakasama sa aktibidad. Inuuna namin ang kaligayahan ng iba, nag-uusap-usap kami at namumuhay na mabuti sa abot-kaya namin, sa di-makasariling paraan, gaya ng itinuro sa atin ni Cristo. Ipakita ang iba pa

  • Sumulat kaming mag-asawa ng mission statement ng pamilya noong aming anibersaryo ilang taon na ang nakalipas. Tinulungan kami nito na magplano kung ano ang gusto namin sa aming pamilya ngayon at sa hinaharap. Unti-unti namin itong ginagawa at napapalakas kami sa paggawa ng mga pangunahing bagay, gaya ng pagdarasal at regular na pagbabasa ng banal na kasulatan. Nagsisimba kami tuwing Linggo, kung saan nakikibahagi kami sa Sakramento (katulad sa komunyon). Ipinaliliwanag namin sa aming mga anak kung bakit mahalaga sa amin ang Sakramento, at ang simbahan. Sinisikap din naming magdaos ng gabing pampamilya minsan sa isang linggo, na tinatawag na Family Home Evening sa simbahang Mormon. Bawat linggo nagtuturo kami ng asawa ko ng maikling lesson tungkol sa ebanghelyo, na karaniwang susundan ng laro. Kung minsan parang hindi nakikinig ang mga bata, pero kalaunan may binabanggit sila tungkol sa lesson at natatanto namin na nakikinig pala sila. Higit sa lahat, sinisikap naming magpakita ng mabuting halimbawa. Kapag nakikita ng mga anak namin na tumutulong kami sa iba, gusto nilang tulungan ang isa’t isa - ginagaya lagi ng mga bata ang kanilang mga magulang. Bukod sa family home evening, tuwina ay mayroon kaming “executive session,” kung saan pinag-uusapan naming mag-asawa ang mga pangangailangan namin bilang pamilya (pera, pag-aaral, pisikal, espirituwal, atbp.). Kung minsan parang napakaraming gagawin, pero nag-iisip kami ng mga hakbang para maabot ang nais naming marating. Sa mga executive meeting na ito nirerepaso rin namin ang dati nating mga mithiin at pinag-uusapan kung ano na ang nagagawa namin at ano pa ang dapat naming pagbutihin. Ito ay patuloy na gawain. Ipakita ang iba pa

  • Sa kabila ng tukso na ibuhos ang sarili ko sa sining, nagdesisyon kaming mag-asawa na lumagi na lang ako sa tahanan. Natitiyak kong nalungkot sa desisyong ito ang ilan sa mga propesor ko na umasang magiging matagumpay ako pagkatapos kong mag-aral. Gayunman, ginawa namin ang desisyong ito dahil kaya naming abutin ang mithiing ito, at hindi namin huhusgahan ang kahit sinong ina na nagtatrabaho, o ang mga single na ina na kailangang magtrabaho sa labas ng tahanan. Angkop ang desisyong ito sa kalagayan ng aming pamilya. Pinili kong isantabi ang sining hanggang sa lumaki na sila, o kaya’y kaunti lang ang ginawa ko, lalo na’t napakabata pa nila noon. Pagkatapos ng 19 na taong pagpapalaki ng mga anak, nagpapasalamat ako sa desisyong iyon, hindi lamang dahil sa naroon ako palagi, sa mabuti at masama, sa ginhawa at hirap, dahil kapag lumipas na ang mga panahong iyon, hindi na ito maibabalik pa. At mabilis na lumipas ang 19 na taong iyon. Hindi ko kailanman pagsisisihan ang paglagi sa tahanan kasama ng mga anak ko. Hindi ko nadamang napilitan akong gawin ito. Ito ang desisyon ko noon. Bagama’t hindi magugustuhan ng mundo ang desisyong iyon, at hindi ito gaanong igagalang, parang hindi ito akma kung iisipin na ang pagiging ina ay hindi naman tungkol sa “akin.” Tungkol ito sa “kanila” at sa pangangalaga sa puso at isipan ng mga bata upang matuto sila na umasa sa sarili, matutong makibagay, magkaroon ng kakayahan at malasakit sa tao, magkaroon ng integridad at mabuting pag-uugali, at higit sa lahat, mga batang dama palagi na sila ay minamahal, tiwala sa kaalaman kung sino sila, mga anak ng Diyos, na may alam tungkol sa kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo. Lalo na ngayon na 3 sa 4 na anak ko ay tinedyer na, nakikita ko kung paano nakabuti sa amin ang desisyon kong lumagi sa tahanan. Malapit kami sa isa’t isa at matatag ang samahan namin at nakita ko na kung ano ang magiging uri ng kanilang pagkatao. Hindi lamang sila mabubuting bata na may mataas na pamantayan at gumagawa ng kanilang responsibilidad, nahuhusto na rin ang kanilang edad para maging mabubuti kong kaibigan. Sa huli, ang kabuuan ng Ebanghelyo ay nilayon upang tulungan ang mga pamilya na magkaroon ng matitibay na ugnayan, kung saan walang hangganan ang pagmamahal, kahit sa mahihirap na sandali, pinapayuhan tayong sama-samang manalangin, ipanalangin ang bawat isa, tulungan at paglingkuran ang isa’t isa at magmahal nang walang-maliw. At hindi gaya ng iba pang mga kalagayan, karapatan ng mga magulang na tumanggap ng sagot sa mga panalangin tungkol sa sagradong tungkuling ipinagkatiwala sa atin hinggil sa ating mga anak. Pinapayuhan tayong isama ang ating Ama sa Langit sa pagpapalaki ng ating mga anak, na malaking kapanatagan. Bilang magulang, nakatanggap ako ng napakaraming sagot tungkol sa mga anak ko at sa kanilang mga espirituwal na pangangailangan, at nalalaman pa kapag nasa espirituwal na panganib ang isang anak. Nagpapasalamat ako sa kapangyarihan ng panalangin. Ibig sabihin totoong may Diyos at ang kabuuan ng Ebanghelyo sa mga huling araw ay totoo. Nakikita ko ang kanyang impluwensya sa bawat araw, sa maliliit na detalye ng aking buhay, maaari akong sumangguni sa aking Ama sa Langit kung paano ko pinakamainam na magagamit ang panahon ko at mapaglingkurang mabuti ang aking pamilya. Tinutulungan din ako ng panalangin na paglabanan ang malulungkot na sandali dahil ang buhay-pamilya ay palaging may kaakibat na kabiguan at kahirapan, at minsan tagisan ng mga kaisipan. Ang pagbabatay ng aking paraan bilang magulang sa pagmamahal ni Jesucristo ay palaging tumutulong sa akin na maalala na ang mga anak ko ay mga anak ng Diyos. Ang pagninilay at pagdarasal sa sandali ng kabiguan ay nakatutulong upang luminaw ang aking isipan, at ang pagsasabing, “ano ang gagawin dito ng Tagapagligtas?” o “bigyan po ninyo ako ng lakas” ay nakapipigil sa aking galit at nakakatulong para malutas ang mga situwasyong iyon sa mas rasyonal na paraan nang hindi napapahiya ang lahat. Sa huli, ang pagsasabuhay ng alituntunin ng panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan, paghingi ng tulong ng Langit sa araw-araw na gawain sa pagdarasal ng pamilya at ng bawat isa, masayang pagsasama-sama, na kadalasang nauuwi sa mga di inaasahang sandali, ay mga paraan na nilayon ng Ama sa Langit para mapatatag ang mga pamilya. Ipakita ang iba pa

Walang mga Resulta