mormon.org Pandaigdigan

Ano ang pag-asa at ano ang inaasam mo?

  • Na makasal ako sa templo at magkaroon ng isang masayang pamilya at Makasama ko ang pamilya ko sa kabilang buhay (Celestial Kingdom). Ipakita ang iba pa

  • Na mabuklod kami sa temple ng aking pamilya ngayon . Ipakita ang iba pa

  • Marami akong natutuhan tungkol sa pag-asa nitong huling ilang taon mula nang matuklasang may kakaibang genetic syndrome ang aming anak na babae. Nahahabag ako sa mga taong nagdaranas ng lungkot at may problema sa kalusugan ng kanilang mga anak, ngunit hindi ko kailanman naisip na AKO rin ay magkakaroon ng ganitong problema. Nang masuri na may ganitong sakit ang aming anak, nakadama ako ng kahungkagan sa buhay ko. Ngunit sa paggunita ko sa nakaraan, naisip ko ang katatagan at pagkakaisa na nangyari sa aming pamilya dahil umaasa kami sa magandang mangyayari sa hinaharap. Natanto ko na tinulungan ako ng Diyos sa mahihirap na sandali ng aking buhay at na mapalalakas tayo ng mga pagsubok. Ipakita ang iba pa

  • Pag-asa ang nag-aangat sa atin mula sa matinding pagkasiphayo. Pag-asa ang nagbibigay sa atin ng lakas na makayanan ang mga trahedya sa buhay. Ang pag-asa ay regalong maibibigay mo sa taong nawalan nito pero tinataglay mo pa rin ito. Ang pag-asa ay makapagdudulot ng galak kahit wala pang kalutasan ang problema. Kapag ibinahagi ang pag-asa, magdudulot ito ng lakas sa iba, sa mga komunidad, lungsod, bansa, at sa buong mundo. Ang pag-asa ay malakas kaunti man ito at hindi ito mapipigilan kung napakatindi nito at ang dalawang ito ay maaaring magkaisa sa isang kislap ng liwanag. Ipakita ang iba pa

  • Napakaganda ng salitang pag-asa. Para sa akin, ang “pag-asa” ay mabuting pananaw sa mangyayari. Ito ay pagkakita sa maaaring mangyari sa halip na kung ano ito ngayon o maging kung ano ito talaga. Umaasa tayong sisikat ang araw kapag umuulan. Umaasa tayong darating ang Tagsibol sa panahon ng Taglamig (ganyan ako--pero ayaw kong ginawin ako!). Umaasa tayong gagaling tayo kapag maysakit tayo. Umaasa tayong mamahalin tayo kapag kinamumuhian tayo. Kapag may pag-asa tayo, hindi tayo natatakot. At kapag umaasa tayo sa mga espirituwal na bagay, nagkakaroon tayo ng pananampalataya. Ako ay taong may positibong pananaw na umaasa sa mga bagay na dapat siguro ay pangarapin ko lang. Umaasa akong huhusay pa ako sa paglalaro ng golf, umaasa ako na magkakaroon ako ng mabuting pamilya, umaasa ako na bubuti ang kalusugan ng aking asawa, umaasa ako na maitataguyod ko ang aming pamilya. Umaasa akong makapagtatrabaho ang anak ko, kahit na mahirap para sa kanya. Umaasa ako na mas makaunawa ang ating pamahalaan, na bawasan ng mga pulitiko at ng media ang pagtutuligsaan at sa halip ay pag-usapan ang mga bagay nang may bukas na kaisipan. Siguro diyan ay makagagawa na tayo ng mas mabubuting desisyon kung paano haharapin ang mga hamon. Umaasa ako na mangingibabaw ang pagmamahal kaysa poot, na matatalo ng pananampalataya ang takot, na mas marami ang magkaroon ng positibong pananaw, at mangibabaw ang kabutihan sa lahat! Siyempre, umaasa din ako kay Cristo. Ang pag-asang iyan ay humahantong sa pananampalataya. At sana … humantong ito sa pagkakawanggawa at pag-ibig at kapayapaan at kaligayahan! Oo, NAPAKAGANDA ng salitang pag-asa! Ipakita ang iba pa

  • Nang malapit na akong magtapos sa kolehiyo, naaalala ko na isang gabi ay balisang-balisa ako. Patapos na ako sa semestreng iyon, may seryosong kadeyt pero hindi pa rin ako kumbinsido na “siya na nga ang babaeng pakakasalan ko.” Nag-aaral ako noon para sa entrance exam sa abugasiya, pero sa simula ng buwang iyon may natanggap akong alok na magtrabaho sa Korea at inasahang tatanggapin o tatanggihan ko ang alok kinabukasan. Kaya matapos ang matagal na pakikipag-usap sa aking ama sa telepono tungkol sa ‘ibubunga’ ng pag-alis sa law school para lumipat sa kabilang panig ng mundo, umalis ako at naglakad-lakad sa kampus. At nang gabing iyon, mag-isa akong naglakad-lakad, na para bang mga sangang-daan ko ito, at ang dami kong iniisip. Paano kung mali ang desisyon ko? Paano kung siya na nga ang babaeng pakakasalan ko? Ito ba ang tamang landas para sa aking propesyon? Naaalala ko pa rin ang pangambang nadama ko noon. At taimtim akong nanalangin sa Ama sa Langit, humingi ng patnubay, at wala akong natanggap na sagot. Hindi nawala ang bumabagabag sa isipan ko. Sa halip, ang nadama ko lang ay, Ryan, sumunod ka lang at magtiwala sa akin at ako ang bahala sa iyo. Iyon na ang sagot, hindi malinaw kung ano ang pipiliin ko. Kapanatagan lang ang nadama ko na di ako dapat matakot. Kinabukasan, kahit wala pang katiyakan, pero may nadarama nang pag-asa sa halip na takot, tinanggap ko ang alok na trabaho at makalipas ang 3 buwan ay lumipat ako sa Seoul, Korea. Pagkaraan ng 4 na buwan, doon sa Seoul, nakilala ko ang mapapangasawa ko sa unang pagkakataon, 6,000 milya ang layo ng pagitan ng aming mga tahanan. Nauna siya sa akin nang isang linggo, nagmula siya sa Canada para magturo ng English sa Korea. Makalipas ang 6 na taon mula nang ikasal kami, isinama ko sa unang pagkakataon si Erin at ang 2 pa lang naming anak noon para puntahan ang dati kong paaralan. Habang naglalakad-lakad kami, karga ko sa balikat ang aming 2 taong gulang na anak na babae at nagtatakbo sa paligid namin ang aming 4 na taong gulang na anak na lalaki. Napakaganda ng panahon. At minasdan ko ang maganda at magiting at kahanga-hanga kong asawa, at sa sandaling iyon ay biglang tumigil ang lahat. At sa wakas naunawaan ko ang sagot sa dasal ko maraming taon na ang nakalilipas sa lugar ding iyon - “Ito ang ipinlano ko para sa iyo … sulit ang lahat ng ito.” Handa akong ibigay ang lahat para lamang balikan ang binatang iyon nang gabing iyon, na nag-iisip, takot, naghahanap ng mga kasagutan, at ipasusulyap ko sa kanya ang lahat ng naghihintay para sa kanya, lahat ng dapat niyang asamin sa hinaharap. Tinuruan ako ng ebanghelyo ni Jesucristo na magtiwala sa aking Ama sa Langit at magkaroon ng pag-asa. Ipakita ang iba pa

Walang mga Resulta