mormon.org Pandaigdigan
Rachy: Mormon.

Hi ako si Rachy

Tungkol sa Akin

Isa akong convert, mahilig akong magsulat ng mga kwentu hango sa mga totoong karanasan. Paminsan-minsan nag susulat din ako ng tula at nag do-drawing hilig ko ding maglaro ng paborito kong sports. Nalaman ko lang na may ganito pa lang akong kakahayan ng grumadweyt ako ng high school.

Bakit Mormon Ako

Naging myembro ako ng simbahan dahil sa mga nalaman at naramdaman ko ay totoo. Maraming beses akong nagtanong sa pamamagitan ng buo kong pusong pagdarasal sa Diyos kung ang Simbahan at ang ebanghelyo ba ay totoo at sinagot niya yun. Dun ko naramdaman ang di ko maipaliwanag na damdamin na di ko pa nararamdaman sa buong buhay ko ang kapayapaan at saya na naramdaman ko sa aking puso. Alam ko sa aking sarili na nahanap ko na ang matagal ko ng hinahanap, at malaman ko kung anu nga bang dahilan kong bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Ako ay Mormon at ito ang aking pagpapatotoo.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Labing anim ako noon ng ginusto kong ibahagi ang mga nalalaman ko tungkol sa totoong simbahan ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampleto sa mga kaibigan ko dahil para sakin dun ko naipapakita ang pananampalataya ko at ang pagiging mabuting halimbawa ko sa iba. Pero ganun pa man hindi naging madali ang lahat, naranasan masaktan at kong mapahiya sa harap ng maraming tao