Sagot ni Jacqui Gordon-Lawrence …
‘Ang pananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay; kaya nga, kung ikaw ay may pananampalataya, umaasa ka sa mga bagay na hindi nakikita, ngunit totoo’ (Alma 32:21). Isa ito sa mga paborito kong talata dahil magandang pakahulugan ito ng pananampalataya. Mayroon akong nabasa sa Biblia o sa Aklat ni Mormon, at ang totoo, hindi ko nauunawaan ang gusto nitong sabihin sa akin. Kakausapin ko ang Ama sa Langit at hihilingin sa Kanya na tulungan akong maunawaan kung ano ang sinasabi. Kung sakali man na sagutin ako, dapat akong makinig gamit ang aking espirituwal na tainga at manalig na ang sinasabi ay totoo. Dapat akong magtiwala na lahat ng itinuturo sa akin ng Ama sa Langit ay totoo. Hindi ko pa nakita ang taong ito—pero batid ko ang kagandahan ng kanyang mga salita. Nagdududa ako sa aking pananalig, lalo na kapag nanonood ako ng pagsasadula ng Pagpapako sa Krus—may mga kawal na pinagpustahan ang kasuotan ng Tagapagligtas na si Jesucristo. Kahit mas may nalalaman na ako ngayon, dasal ko pa rin na hindi ako matulad sa mga lalaking nagpustahan sa damit ni Jesus. Palagi kong sinisikap dagdagan ang aking pananampalataya. Ginagawa ko ito sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagsisimba at pagpunta sa templo. Ginagawa ko ang lahat para magampanan ang anumang tungkulin ko sa Simbahan. Tinutupad ko ang mga tipan na ginawa ko noong binyagan ako. Sinusunod ko ang mga tipan na ginawa sa templo na natatanto na nakasalig ito sa katapatan ko sa ebanghelyo ni Jesucristo. Isang dahilan na dapat kong ipaglaban.
Ipakita ang iba pa
Ilan lang ang ipakita