mormon.org Pandaigdigan
Russell deJesus: ama, estudyante, beterano, bodybuilder, Schwarzenegger, doktor, Mormon.

Hi ako si Russell deJesus

Tungkol sa Akin

Sa Pinas ako ipinanganak. Nakatira ngayon ang aking pamilya sa US. Ako ang panganay. Paborito ko ang art, musika, nakakatawang bagay at tao, medicine, science, at ibat-ibang mga kultura. Paborito kong mag-lingkod sa kapwa at magboluntaryo. Paborito kong maging nasa labas! At nasa misyon ako ngayon sa New Jersey! Mahal ko ang Kearny, Harrison, East Newark, Irvington, Iselin, Colonia, Fords, Edison, Metuchen, Perth Amboy, Sewaren, Port Reading, Carteret, Avenel, at Woodbridge! Ang aking layunin ay makapagsalita ng 12 na wika bago ako mamatay.

Bakit Mormon Ako

Lumaki ako dito sa Simbahan. Pero may kasabihan dito na lahat ng miyembro nitong Simbahan ay dapat convert mismo, o bakit kami mananatili? Kailangan naming tanungin ang Panginoon kung ang Aklat ni Mormon ay galing talaga sa Diyos o isang sinungaling lang. Sinagot Niya akong oo, totoo ang Aklat ni Mormon. Totoo rin ang Biblia. Ibig sabihin, eto ang Simbahan ni Cristo na nagtuturo ng buong katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo, at eto lang ang Kaniyang Simbahang tunay.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Ipinanganak ako sa Pinas, pero lumipat dito sa US ang aking pamilya noong ako'y walong taon. Ang bahay namin ay Pinoy na Pinoy, at masarap ang luto ng inay. Nahirapan akong lumaki dito bilang isang batutang tagaibang bayan. Palipat-lipat ako sa elementary, kaya hindi ako nakapagkaibigan sa mga tao. Ngayon ay may dysthymia ako kaya kailangan kong kumuha ng gamot. Nagdarasal ako araw-araw na kaya kong gawin ang mga gawaing araw-araw. At sinasagot ako ng Diyos. Gumagana ang pagbayad-sala ni Jesucristo. Masaya ako at hindi ko gustong mamatay!