mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Wilfried

  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller
  • Wilfried Möller

Tungkol sa Akin

Ipinanganak ako noong 1938 at nakilala ko lang ang tatay ko noong walong taon mahigit na ako, nang matapos na ang giyera. Nang makumpleto ko na ang aking mga pagsusulit sa high school (Abitur), nag-aral ako ng English, Latin, at geography para magturo ng high school sa Münster, Bochum, London, at Lawrence, Kansas. Makalipas ang taong 1965 nagtrabaho ako bilang guro, tagapagsanay ng mga guro sa English, at direktor ng paaralan hanggang taong 2000. Nag-asawa ako noong 1964 at masaya kaming mag-asawa at may dalawa kaming anak at anim na apo. Hilig ko ang musika, sayaw, literatura, kasaysayan, relihiyon, pagbibiyahe, at paglalakad.

Bakit Mormon Ako

Bilang estudyante, naging palaisipan sa akin ang napakaraming simbahang Kristiyano. Malinaw sa akin na hindi posibleng matamo ang pakikipagkaisa kay Cristo sa pamamagitan ng gawa ng tao (ekumenismo). Mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng panunumbalik ng Simbahan ni Cristo gamit ang awtoridad ng Diyos. Kaya noong 1961, matapos ang matagal na pag-iisip at panalangin, sumapi ako sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw dahil nakita ko na itinuturo ng Simbahang ito ang mga orihinal na itinuturo ni Cristo at kapareho nito ang organisasyon ng orihinal na Simbahan: Ang kalalakihan at kababaihan ay may pantay na katayuan. Ang mga lider ng priesthood ay pinapahintulutang magpakasal at hindi binabayaran sa kanilang paglilingkod; may sarili silang ikinabubuhay. Ang mga sanggol ay dalisay at walang kasalanan at hindi kailangang binyagan. Lahat ng tao ay mga anak ng Diyos, anuman ang kanilang edad, lahi, kasaysayan, bansa, relihiyon, edukasyon, o trabaho. Ang matatag na pamilya ang pangunahing yunit ng matatag na lipunan.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Nang binyagan ako noong 1961, sa Münster, nakilala ko ang naging asawa ko, si Dagmar, sa kalapit na ward sa Osnabrück. Napagkasunduan namin sa simula pa lang kung paano kami mamumuhay, at sinikap naming gampanan sa abot ng aming makakaya ang tungkulin namin sa pamilya, trabaho, simbahan, at komunidad. Naglingkod ako sa Simbahan bilang Scout leader, guro, mangangaral, tagapagsanay at ward leader (bishop)—na kasalukuyan kong tungkulin—at naglingkod sa rehiyon bilang tagapayo at translator at interpreter. Hindi mahirap para sa akin na ituring ang lahat ng taong nakakasalamuha ko, sa pribado man at sa trabaho, bilang mga kapatid ko—bilang mga anak ng Diyos—at igalang sila. Dahil itinuturo ng Simbahan na “Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng sa inyong sarili,” lagi kong sinisikap na panatilihing malusog ang aking katawan at espiritu at paghusayin ang aking mga talento para mas makapaglingkod sa aking trabaho at boluntaryong gawain. Ang isa pang alituntuning itinuturo ng Simbahan ay naghikayat sa akin: “Ang tunay na pagsamba ay kinapapalooban ng paglilingkod sa ating kapwa.” Ang aming mga inaasal at ikinikilos ayon dito, na may tulong at halimbawa ng mapagmahal na mga lider ng Simbahan na sumusunod sa halimbawa ni Cristo, ay nagpasaya sa buhay naming mag-asawa. Sa kabila ng karamdaman, kawalan, at kabiguan, nagpapasalamat kami sa mga oportunidad na ibinigay sa amin.