mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Brandon

  • Brandon Flowers
  • Brandon Flowers
  • Brandon Flowers
  • Brandon Flowers
  • Brandon Flowers

Tungkol sa Akin

Si Brandon Flowers ang lead singer ng rock band na The Killers. Noong 2010 naglabas siya ng isang solo album na pinamagatang Flamingo. Sa huling bahagi ng 2001, tumugon si Brandon Flowers sa isang anunsyo na inilagay ni Dave Keuning sa lokal na pahayagan, at binuo nila ang The Killers. Magmula noon, si Brandon ay nakapagtanghal na kasama sina Bruce Springsteen, U2, Coldplay, Pet Shop Boys, Lady Gaga, Fran Healy (ng Travis), Andy Summers (ng The Police), New Order, Bright Eyes, at marami pang iba. Isinama ni Sir Elton John si Flowers bilang isa sa kanyang top-five heroes. Ang solo album ni Brandon na Flamingo, ay nanguna sa tsart sa UK noong Setyembre 12, 2010. Ito ang ikaapat sa magkakasunod na album ni Brandon na nanguna sa UK charts, pati na ang ginawa ng The Killers. Kasama ngayon si Brandon ng The Killers sa paggawa ng kanilang bagong album na ire-release sa 2012. Si Brandon ay isinilang noong Hunyo 21, 1981, sa Henderson, Nevada, at siya ang bunso sa anim na magkakapatid. Lumipat si Brandon sa Utah noong siya ay walong taong gulang, at kalaunan ay bumalik sa Las Vegas, kung saan siya nakatira ngayon. Noong Agosto 2, 2005, pinakasalan ni Brandon ang matagal na niyang kasintahan na si Tana Mundkowsky. Mayroon silang tatlong anak na lalaki: sina Ammon, Gunnar, at Henry.

Bakit Mormon Ako

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya