mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Rob

  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert
  • Rob Buchert

Tungkol sa Akin

Ako’y may asawa, ako’y anak, kapatid at sana balang-araw ako’y maging ama. Nagtatrabaho ako bilang artist, papermaker, book designer at letterpress printer/publisher. Ang propesyon ko ay recordist (gaya ng photographer—pero may mikropono), sound artist/experimental musician at manunulat. Ako ay part-time instructor sa BYU kung saan nagtuturo ako ng typography class. Isinilang ako sa Connecticut, lumaki sa Toronto at nakatira ngayon sa Utah. Hilig ko ang hiking, pagbibiyahe, canoe tripping, paglalayag, masasarap na lutong-panaderya at pagkain ng mga taga-Middle East. Hindi ako mahilig maghalaman, pero napanatili kong luntian ang bakuran ko sa taong ito. Isang antigong German auto at bisikleta ang gamit kong sasakyan.

Bakit Mormon Ako

Kagalakan—na napakaliit na salita para sa napakalaking konsepto. Ako ay Mormon dahil sa kagalakang nadama ko sa pagsunod sa mga itinuturo ng simbahang LDS. Ang kagalakan ay hindi lamang kasiyahan at kaligayahan. Ito ay kalagayan ng kabutihan sa kabila ng kahirapan at trahedya at pighati ng buhay. Ang malaman na buhay ang Diyos at nagmamalasakit Siya sa akin at handang gabayan ako—ito ay nagiging matibay na katiyakan na batayan ng iniisip at nadarama ko.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Araw-araw akong nagdarasal at nag-aaral—nagninilay—kung paano maging higit na katulad ni Jesus. Anong mga aspeto ng aking pag-iisip at ugali ang kailangang baguhin, ano ang kailangan kong pagbutihin? Iniisip ko ang mga halimbawa ng mga taong nakapalibot sa akin, mga nababasa ko mula sa mga banal na kasulatan at iba pang babasahin at sinisikap kong unawain kung paano ako magiging mas sensitibo sa marahang tinig na kinikilala ko bilang tinig ng Diyos na nagsasalita sa akin. Nag-uukol din ako ng oras sa bawat araw sa pag-aaral at pagdarasal kasama ng aking asawa. Hindi kailangang mahabang oras—10 o 15 minuto lang karaniwan. Sinisikap kong maging mabuting miyembro ng pamilyang pinagmulan ko—mga magulang at kapatid, mga pamangkin. At sinisikap ko na maging mabuting kapitbahay. Nakatira kami sa lugar na iba’t iba ang lahi, relihiyon, at antas ng kinikita. Ito ang Utah, kaya laging may mga kapitbahay na katulad ko ang paniniwala at pinahahalagahan, pero hindi lahat ay Mormon. Hindi ko makikilala ang maraming mabubuting kaibigan at hindi ko makikita ang magagandang halimbawa kung sa kapwa miyembro lang ako makikihalubilo. Sa aming kongregasyon tungkulin kong dalawin palagi ang apat pang pamilya. Sa simbahang LDS ito ang tinatawag na “home teaching” at ito ang paraan para matugunan ang pisikal, emosyonal at espirituwal na pangangailangan ng mga miyembro ng simbahan. Sakaling magkaroon ng problema ang isa sa mga pamilyang binibisita ko, maaari nila akong tawagan para humingi ng tulong. Kung hindi ko kayang tugunan ang kanilang mga pangangailangan ipaaalam ko ito sa aming lider at makahihingi ng mas malaking tulong sa kongregasyon. Responsibilidad ko ring makipagtulungan sa labing-isa pang kalalakihan mula sa karatig na mga kongregasyon para magsilbing mga advisor at assistant sa mga lider ng lokal na kongregasyon. Ang grupong ito ang tinatawag na ‘High Council,’ kaya ‘High Councilman’ ang tawag sa akin. Palagi kong hangad na mas maunawaan pa ang mundo sa aking paligid. Isa sa mahahalagang alituntunin sa relihiyong LDS ay nakabuod sa katagang “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan.” Ang pag-unlad sa katalinuhan, sa pagkaunawa sa halos lahat ng bagay, ay mabuti at makadiyos. Nakasaad sa isa sa ‘Mga Saligan ng Pananampalataya” ng LDS na, “Kung may anumang bagay na marangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipagkakapuri, hinahangad namin ang mga bagay na ito.” Sa palagiang paghahangad ng dagdag na edukasyon at pag-unawa ay ipinamumuhay ko ang aking relihiyon.