mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Margarita

  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez
  • Margarita Faundez

Tungkol sa Akin

Ako ay babaing puno ng pangarap at mithiin na sinisikap kong abutin araw-araw. May kapansanan (bulag) ako, pero hindi ito hadlang dahil ito ang nagpapalakas sa akin para harapin ko araw-araw ang mga hamon ng buhay. Dahil sa kapansanan ko ay naiiba ang pananaw ko sa buhay, tinutulungan ako nitong matantong hindi tayo nag-iisa sa mundong ito, gaya ng pag-asa ko sa iba, lahat tayo ay umaasa sa ibang tao, kahit ayaw itong aminin ng iba, gumaganda ang buhay, kapag hindi lang sarili nating kapakanan ang ating iniisip. Mahal ko ang trabaho ko bilang Massage therapist, dahil dama kong natutulungan ko ang mga tao hindi lang sa pisikal, napakagandang trabaho nito, hindi mo kailangan ang iyong paningin, kundi haplos lang, at makukuha mo ang tiwala at pagmamahal ng iyong pasyente. Nakakatuwa na sa masahe ay mababago mo ang mood at pag-uugali ng isang tao. Ako’y isang Paralympic athlete, magaling na track runner, miyembro ng National Paralympic Chilean Athletic Club. Sinimulan ko ang pagtakbo noong 20 anyos ako, at naging isa ito sa mga pinakamalaking hamon sa buhay ko. Hindi naging madali, nahirapan din ako, ngunit maraming tagumpay, hindi lamang mga medalya, pagtapos sa bawat pagsasanay, balanseng pagkain, pagbabawas ng timbang, determinasyon, at pagtitiwala sa sarili. Ang lahat ng bagay na ito ay nakamit ko. Masasabi ko na binago ng ehersisyo ang buhay ko, binigyan ako nito ng milyong kaligayahan at tagumpay.

Bakit Mormon Ako

LDS ako mula sa pagsilang, nagsisimba ako kasama ang pamilya ko. Ang relihiyon ko ay lahat-lahat para sa akin, ito ang buhay ko. Ang pagmamahal ng Diyos ang lakas ko sa patuloy na pakikibaka, para sa akin hindi madali ang buhay, pero kapag nauunawaan mo ang layunin ng buhay dito sa lupa, kung saan ka naroon bago tayo isinilang, bakit tayo narito, at ano ang mangyayari kapag namatay tayo, lahat ng sakripisyo, bawat pagsubok, bawat hirap ay may layunin at sulit ang patuloy na magsikap. Noon pa man ay naniniwala na ako sa Diyos, ang mga magulang ko ang huwaran ko, pinalaki nila ako sa pamilyang Kristiyano, hindi kami perpekto, pero sinisikap naming makamit ito balang-araw. Maraming beses na akong tinanong: “Mormon ka, bakit ganito ka pinalaki ng mga magulang mo, hindi makatotohanan ang buhay mo,” pero hindi ko maikakaila kung sino ako at ang nadarama ko, wala akong ibang paraan ng pamumuhay, hindi ito obligasyon ni tradisyon, ito ang gusto ko para sa akin at sa magiging pamilya ko. Mahirap ang buhay ko noon, pero hindi ko hinayaang ilayo ako sa Simbahan ng anumang pagsubok, problema o suliranin, kabaligtaran ang nangyari, lumakas lalo ang pananampalataya ko sa bawat hakbang. Alam ko na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay totoo. Alam ko na buhay ang ating Ama sa Langit at si Jesucristo, mahal-na-mahal ko sila, alam kong mahal nila tayo, kaya nilikha ng Diyos ang Plano ng Kaligayahan para sa lahat ng kanyang anak. Napakalaki ng pagmamahal niya kaya ipinadala niya si Jesucristo sa lupa. Tiyak na ang pinakamabuting kaibigan ko ay si Jesucristo; dahil ibinigay Niya ang kanyang buhay para sa akin. Kaya kong gawin anuman ang hilingin niya sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa kayamanang ito sa buhay ko, na walang katumbas, sa kanyang ebanghelyo, isang kayamanan na kayang matulungan ang lahat, gusto kong ibahagi ito araw-araw … Wala akong alinlangan, na ang pagiging Mormon ay pagiging maligaya!!!

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Ang pananampalataya ko sa Diyos at kay Jesucristo ang nagtutulak sa akin na maging mas mabuting tao, at sinisikap ko itong ipasa sa iba. Pagtuturo sa mga tao ang paraan ko upang mapagpala ang kanilang buhay, ito man ay sa aking salita o halimbawa. Dama kong kilalang-kilala ako ng Diyos, kaya lahat ng atas at tungkulin ko sa Simbahan ay konektado sa pagtuturo. Ako ay naging Gospel Principle teacher, na itinuturo sa lahat ng gustong malaman ang tungkol sa Simbahan at para ito sa mga bagong miyembro. Tatlong taon akong naging guro sa Seminary, isang programa ng Simbahan para sa mga edad 14 hanggang 18, na tumutulong para malaman nila ang mga turo ni Jesucristo at ang mga Propeta at Apostol noon, sa banal na kasulatan. Sa pagtuturo sa kabataan, nagbago at lubusang pinagpala ang buhay ko. Napuspos ako ng kaligayahan dahil sa pagmamahal nila sa akin. Ang nakikita kong pagbabago nila sa araw-araw para maging mas mabuting tao ay nagbigay sa akin ng lakas na gawin din iyon at makapiling silang mga tinedyer, ang mga hamon sa kanilang buhay at kalungkutan ay nagpaalala sa akin na naging tinedyer din ako habang sinisikap kong unawain sila. Sigurado ako na lahat ng itinuro ko sa kanila, ay makakatulong at maaalala nila ang natutuhan nila at tutulungan sila nitong gawin ang tamang desisyon. Ngayon ay Primary teacher ako ng mga batang 4 hanggang 8 taong gulang, at pinasasaya nila ako. Sa kanilang kawalang-malay, pagiging malambing at mababang-loob, mas natuturuan pa nila ako, mahal nila ako at pinasasaya nila ako. Masaya ako na naibibigay ko ang oras ko sa iba sa Simbahan, dahil dito nalilimutan ko ang mga hamon sa buhay, natatanto ko na mas maliliit ito kumpara sa ng ibang tao, at marami akong dapat ipagpasalamat, na dapat maging positibo ang pananaw sa buhay at matuto sa magagandang karanasan ng iba.