mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Leilani

  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani
  • Leilani Rorani

Tungkol sa Akin

Lumaki akong naniniwala na makakamit o maaabot ko ang anumang mithiin ko. Ipinadama ng mga magulang ko na maaari akong magtagumpay sa buhay kahit kaunti lang ang pera namin. Sila ang nagbigay sa akin ng pagpapahalaga sa sarili at magandang pananaw. Ang tatlong ate ko at kapatid kong lalaki ang mga unang huwaran ko. Sa paaralan noon, palaging sila ang una, pangalawa o pangatlo sa athletics at mga swimming competition, o napipiling maglaro sa mga A team sa sports. Gustung-gusto ko iyon sa kanila, at gusto kong marating ko rin iyon. May ilan akong kahanga-hangang mga kaibigan sa paaralan na mahuhusay sa academics at sports, gaya sa math, english, art, equestrian, diving, at swimming. Hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at sport, pero kapag medyo mahirap na palagi kaming naroon para hikayatin ang isa’t isa. Nagsimula akong maglaro ng squash noong 10 taong gulang ako. Naaalala kong nakaupo ako noon sa mesa sa kusina kasama ang tatay ko at nagpaplano kami para ako ang maging number one squash player sa mundo. Ipinakita niya kung paano malinaw na makamit ang mga mithiin at tiyak na magtagumpay. Naniwala siya sa akin at nakatulong iyon para maniwala ako sa sarili ko. Mahigpit na coach ang tatay ko at madalas sabihin ng mga tao na masyado siyang mahigpit. Pero, alam niya na sakaling magkaroon ako ng pagkakataong makipagkumpetensya sa pinakamahuhusay, kailangang sanayin ako tulad nila, simula sa pagkabata. Tama siya! Pagkaraan ng 15 taon ako ang nanguna sa buong mundo. Lahat ng nakamtan ko sa squash ay utang ko sa mga magulang ko. Ngayon, ako’y isang maybahay at ina ng apat na maliliit na bata. Nag-aaral din ako sa larangan ng Health Science na may major sa Sport and Exercise.

Bakit Mormon Ako

Maraming henerasyon na ang ebanghelyo sa aking pamilya. Halimbawa, ang kalolo-lolohan ko ang unang Northland Maori chief na nabinyagang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Palaging nagpapadala noon ang lolo ko ng malalaking kahon ng prutas at mga gulay mula sa kanyang taniman sa Kawakawa (dulong hilaga) sa mga misyonerong nagtatayo noon ng New Zealand Temple sa Hamilton noong mga 1950s. Noong tinedyer pa ang mga magulang ko nag-aral sila sa isang Church College, isang Mormon high school, kung saan sila nagkakilala at kalaunan ay nagpakasal. Ako at ang mga kapatid ko ay nabinyagan at nakumpirmang mga miyembro ng simbahan noong 10 taong gulang ako. Makalipas ang ilang taon sinundan ko ang mga yapak ng mga magulang ko at nag-aral sa Church College kung saan ako nagtapos noong 1991. Pagkatapos niyon ay may maling nangyari. Pumasok sa isip ko na hadlang sa estilo ko ang pagsunod sa mga kautusan at mas ayos ang buhay ko kung wala ang simbahan. Kaya noong ako ay edad 18 hanggang 25 hindi ako nagsisimba at nakatuon lahat ang lakas at panahon ko sa pagiging pinakamahusay na manlalaro ng squash sa mundo, naniniwala na sa pagkakamit ng mithiing iyon ay magkakaroon ako ng kaligayahan at yayaman ako. Kaya sa loob ng pitong taon ay puspusan ang pagsasanay ko, unti-unting umangat, para matuklasan lamang nang nasa tuktok na ako na mali pala ang tinatahak ko! Kapapanalo ko lang noon ng una kong British Open title, na kung tutuusin ay katuparan ng pangarap ko, pero sa halip na maging maligaya, nalungkot ako at dama kong may kulang sa akin. Kahit nasa akin na ang lahat, parang hungkag pa rin. Nakakapagtaka pero totoo. Ang damdaming ito ang nagturo sa akin pabalik sa simbahan. Hindi ko malilimutan ang unang araw nang muli akong maglakad papasok sa chapel. Kahit takot ako at wala akong kakilala, damang-dama ko na panatag ako. Sa unang pagkakataon, sa loob ng mahabang panahon, nakadama ako ng kaligayahan sa aking kaluluwa. Mula nang araw na iyon nagpasiya akong mamuhay sa paraan na lubusang mapangangalagaan ang aking kaluluwa. Hunyo 2000 noon.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Ngayon, ako ang Faith in God leader sa aming ward, ibig sabihin ako ang nagpaplano ng mga aktibidad para sa mga batang primary para tulungan silang makamit ang kanilang 24 na mithiin sa loob ng mahigit apat na taon, na may kinalaman sa ‘Paglilingkod sa Iba,’ ‘Pagpapaunlad ng mga Talento’ at ‘Pagkatuto at Pamumuhay ng Ebanghelyo.’ Nagretiro ako sa professional squash noong 2002 matapos ikasal sa asawa ko sa New Zealand Temple. Mayroon kaming apat na magagandang anak. Hilig ko pa rin ang maglaro ng squash, pero hindi na sa paligsahan dahil sa pangako kong pananatilihing banal ang Araw ng Sabbath. Bagama’t nakatuon ang buhay ko sa pag-aaruga sa nagsisimula naming pamilya, nagawa kong mag-ukol ng kaunting panahon sa pagsuporta sa mga proyekto sa komunidad na nais kong gawin. Halimbawa, ang NZ National Depression Initiative (dahil sa sarili kong karanasan sa post natal depression), at pagiging ambassador para sa 2010/2011 NZ Breastfeeding Campaign.