mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Jane

  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie
  • Jane Christie

Tungkol sa Akin

Nakatira ako sa gitnang Scotland, ako’y 35 anyos, at pinakamahalaga sa buhay ko ang pamilya ko. Nag-aral akong maging drama teacher bago ko ipinasiyang manatili sa bahay at gampanan ang papel ng ina. Pero gusto ko pa ring magturo, at mahilig ako sa sining at literatura, at pag-aaral. Nag-aral akong muli ngayong taon para makatapos ng degree sa English language at literature. Talagang mahalaga sa akin ang pag-aaral. May tatlo akong mababait na apo, puro lalaki, at isa sa kanila ay nahihirapang matuto.

Bakit Mormon Ako

Pinili kong maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw dahil mas napapalapit ako kay Jesucristo, dahil natututo akong maging mas mabuting tao, at napakasaya ko rito. Hindi miyembro ng Simbahan ang asawa ko, pero nagkasundo kami na napakahalagang mamuhay at palakihin ang aming mga anak na may pananampalataya sa Diyos. Payapa sa aming tahanan, mas nakakayanan namin ang mga pagsubok at araw-araw na mga problema sa buhay, at alam namin na ang aming pamilya ang una naming prayoridad. Iyan ang natututuhan namin sa simbahan, at sinisikap namin itong ipamuhay.

Personal na mga Kuwento

May maiisip ka bang partikular na pagsubok sa iyong pamilya na nakatulong ang Mga Alituntunin ng Ebanghelyo upang makayanan ito?

Bilang ina ng batang lalaking isinilang na may kapansanan sa utak, maraming hamon sa buhay ko. Hindi umuunlad o nagkakaroon ng magagandang karanasan ang aming anak na tulad ng ibang mga bata. Wala siyang kabarkada, hirap siyang makipag-usap kung minsan, at pakiramdam niya’y bigo siya. Simula nang maging aktibo kami sa Simbahang LDS sa amin, naging mas masaya ang anak ko. Sa unang pagkakataon nagkaroon siya ng mga kaibigan sa labas ng paaralan, na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Ang mga bata sa simbahan ay napakababait at matulungin at maalaga kaya nakikibarkada na ang anak ko sa mga bago niyang kaibigan sa mga aktibidad sa Simbahan. Hindi mananagot ang anak ko sa mga desisyon niya, at nalaman ko na dahil hindi siya mananagot, naglaan ng paraan ang sakripisyo ni Jesucristo para hindi na siya binyagan. Siya ay napakaespesyal na anak ng ating Ama sa Langit, at napakapalad ko na pinagkatiwalaan Niya akong alagaan ang pambihirang espiritung ito. Labis kong pinasasalamatan ang kaalamang iyan. Mahal ng anak ko ang simbahan; mahal niya ang mga tao; gusto niyang sabayan sa pagkanta ang mga bata. At pinagpala ang aming pamilya dahil ipinamumuhay namin ang ebanghelyo ni Jesucristo. Hindi marunong bumasa ang anak ko hanggang sa pag-aralan ng aming pamilya ang mga banal na kasulatan araw-araw. Sa pag-uulit sa mga salita at pagsunod dito, nakakatuwa na natuto siyang magbasang mag-isa. Malaking pag-unlad ito sa kanya, na nakasiya sa akin na kanyang ina, at isang halimbawa lang ito ng maraming pagpapala ng pamumuhay ng ebanghelyo na naranasan namin. Dati-rati mahirap magplano nang maaga. Iniisip namin kung paano makikipagsabayan ang aming anak sa mundo, at paano namin siya tutulungang magkaroon ng puwang dito. Ngayon marami nang sumusuporta sa amin, may mga kaibigan na ngayon ang anak ko, at natututo at umuunlad siya sa tuwina.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Sa simbahan ako ang pinamahala sa nursery class. Tuwing Linggo binabantayan ko ang mga bata at naglalaro kami, kumakanta kami, at tinuturuan ko sila. Gusto kong suportahan ang mga magulang sa ganitong paraan, at masayang makabarkada ang mga bata! Pero ang paborito ko, ang pinakamagandang bahagi ng aking pananampalataya ay nangyayari sa sarili kong tahanan. Tuwing Lunes ng gabi, hinihikayat kami ng Simbahan na mag-family home evening—isang gabi na nagtitipon kami bilang pamilya at nagsasaya. Natutuwa ako na gaano man kaabala ang buhay, isinasantabi namin ang lahat sa gabing iyon.