mormon.org Pandaigdigan

Hi ako si Chip

  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White
  • Chip White

Tungkol sa Akin

Asawa ako ng isang napakabait na babae, ama ng dalawang magagaling na tinedyer, ang isa sa kanila ay nasa misyon, at kahit di gusto ng pamilya ko, tagahanga ako ng Nascar, GO Jeff Gordon !!! Kasa-kasama na ako sa mga emergency service mula noong 16 anyos ako, ako ay volunteer fireman, ambulance attendant at ngayon ay Police Officer sa nakalipas na 23 taon. Gusto kong pumaroon sa mga situwasyong magulo at muling ibalik ito sa kaayusan (gaya ng ginagawa ng Simbahang Mormon sa buhay ng mga tao).

Bakit Mormon Ako

Mula nang bata pa ako, hindi priyoridad sa mga aktibidad ko kapag Linggo ang pagsisimba at nagpatuloy ito hanggang sa pagtanda ko. Anim na taon na ang nakararaan, ang panganay kong anak na edad 14 noon ay nakitulog isang Sabado ng gabi sa bahay ng matalik niyang kaibigan at niyaya siyang magsimba kasama ng pamilya kinabukasan. Pag-uwi ng aming anak nang Linggo ng hapon tuwang-tuwa siya hindi dahil sa pagtulog sa bahay ng kanyang kaibigan, kundi dahil sa karanasan niya sa simbahan. Gustung-gusto na niyang magsimba sa susunod na Linggo, at patuloy siyang nagsimba kasama ang pamilya ng kanyang kaibigan nang sumunod pang mga linggo. Sa panahong iyan, nakita ng bunso kong anak ang pagbabago sa kanyang kuya at nagtanong kung puwede rin siyang sumama sa Simbahan. Nagtaka kami ng aking asawa kung ano ba ang Simbahang ito, at nadama niyang dapat kaming pumunta lahat at tingnan ito, pero matigas ang ulo ko at naiwan ako sa bahay. Makalipas ang ilang buwan nakita ko ang napakagandang pagbabago sa pamilya ko, sinabi nila sa akin ang espesyal na nadarama nila kapag nasa simbahan sila at na ito ang totoong simbahan. Noon na ako nagpasiyang sumama at tingnan kung ano ang pinagsasabi ng aking pamilya. Sa unang Linggo ng pagsisimba ko negatibo ang iniisip ko, pero di nagtagal iba na ang pakiramdam ko. Noon at ngayon, ang negatibong damdaming iyon ay napalitan ng kapayapaan at seguridad nang sumunod pang mga Linggo. Patuloy na tumindi ang damdaming iyon at parang hindi ko mawari ang buhay kung wala ang Simbahan. Hindi maipapaliwanag sa salita ang epekto ng Simbahan at pananampalataya sa aking pamilya. Ang Simbahan ang naging sentro ng buhay naming lahat, ng paraan ng aming pamumuhay, pagmamahal, paglilingkod, at sa pagharap sa malalaki at maliliit na hamon sa aming buhay.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Malawak ang ibig sabihin ng salitang katapatan kaya mahirap itong ipaliwanag, hindi dahil sa di ako naging tapat noon sa asawa ko at sa pamilya ko, kundi sila na ngayon ang nasa pagitan namin ng Diyos. Mga tapat na pangakong napakahalaga sa akin, na gumagabay ngayon sa buhay ko, at mga pinahahalagahan na ipinamumuhay ko sa araw-araw. Ngayon kapag kailangan kong magdesisyon, mas madali na itong gawin kapag ibinatay ko sa tapat kong pangako at sa mga pinahahalagahan at pamantayang sinusunod ko.