Lagpasan ang navigation
Miyembro
Pinahahalagahan
Paniniwala
Bisitahin Kami
FAQ
.
Makipag-usap sa Amin

Hi ako si Sarah

  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly
  • Sarah Osmotherly

Tungkol sa Akin

Mahilig ako sa tsokolate at ako ay palatawa. Lumaki ako sa Australia. Medyo gusto ko ang mga gawaing panlalaki, tagapagpatawa sa klase, at puno ng sigla. Masaya ako na nakatira kami sa ibaba (na tinatawag naming lupang pangako!) kasama ang masipag kong asawa at magandang anak. Nakatira kami sa napakagandang lugar ng mundo na karatig lugar ng Sydney. Dalampasigan ang nasa isang panig at lawa naman ang nasa kabila. Talagang napakaganda ng buhay. May sarili akong public relations company, at masaya ako na nakabakasyon ako para mas matagal kong makasama ang aking pamilya. Masayang-masaya ako na full-time mother ako at maybahay—akala ko noon hindi ko kailanman masasabi ito! Sinorpresa ako ng asawa ko nang mga ilang taon na kaming nagsasama at sinabing gusto niyang tuparin ang pangarap niyang maging isang doktor. Nagulat ako at buntis pa ako noon! Dahil sa alam kong desidido siya, sinuportahan ko siya sa pangarap niyang maging doktor, nagpalit kami ng tungkulin sa pamilya, at limang taon akong nagtrabaho. Salamat na lang at tapos na ang tila imposibleng mangyari at ngayon ay mahal na mahal siya ng mga pasyente niya. Nabiyayaan nang husto ang aming pamilya dahil tinupad niya ang kanyang pangarap. Pambihira ang asawa kong ‘yan. Mahal ko ang propesyon ko, pero kamakailan ang pagsusuot ng tsinelas sa halip na sapatos na may takong at paghahatid sa anak ko papunta sa eskuwelahan ay desisyong nagpabago sa aking buhay. Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Ang buhay ay ang kasiyahan sa mga simpleng bagay. Kapag hindi ako nag-eeksperimento ng tsokolate sa kusina, nasisiyahan ako sa pagbibisikleta naming pamilya, sa boxing, yoga, sine, panananghalian kasama si Inay, at pagsisikap na matuto ng Mandarin!

Bakit Mormon Ako

Ito ang madalas itanong sa mga pagtitipon! Malaking kagalakan ang dulot nito sa buhay ko. Araw-araw akong gumigising nang panatag at may pag-asa dahil sa aking pananampalataya. Iniisip ng ilan na baka bulag na pagsunod ito, ngunit kapag nakita mo ang malaking kabutihan na nagagawa ng iyong pananampalataya, nakikita ang pagbabago sa buhay ng mga tao, nakikita ang kaligayahan sa buhay ng iyong pamilya, at sa sarili mong buhay, hindi ka na mag-aalinlangan pa, dahil nakikita mo ang bunga ng pananampalataya sa araw-araw. Ito ay tapat, totoo, at tunay. Maaaring mahirap ang buhay, ngunit ang pagiging Mormon ay tila nagpadali rito, nakagagawa ng mas mabubuting pagpili, madali kang makabangon kapag nadapa ka, nakapagdarasal para humingi ng tulong, napahahalagahan ang buhay, at “natatanggap anuman ang dumating.” Napakapalad ko na naging napakabait ng aking ina para papasukin ang mga missionary sa kanyang tahanan mahigit 50 taon na ang nakalilipas at nagkaroon siya ng pananalig na tanggapin ang kanilang paanyaya na sumapi sa Simbahan. Inilaan na niya ang kanyang buhay sa pagtulong sa iba magmula noon. Nakadama siya ng kapanatagan at kawastuhan sa natutuhan niya mula sa mga missionary, at natagpuan sa wakas ang mga sagot sa tatlong mahahalagang tanong sa buhay: saan siya nanggaling, bakit siya narito, at saan siya pupunta pagkatapos ng buhay na ito. Nakadama siya ng tunay na kapayapaan. Dahil din sa mga ito kaya’t ako’y isang Mormon. Hindi dahil sa naniniwala ang nanay ko, kundi dahil hinikayat niya akong alamin ito sa sarili ko, at ginawa ko nga ito.

Paano ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya

Mabuti ang pamumuhay ng mga Mormon, nagmamahal sa kanilang pamilya, sa kalusugan, kasipagan, pagtulong sa kapwa, katapatan, panalangin, family history, at higit sa lahat nagmamahal kay Jesucristo—Siya ang sentro ng aming relihiyon. Sa ganitong paraan ko ipinamumuhay ang aking pananampalataya—sa paggawa ng lahat ng ito at pagngiti palagi. Ang pagiging Mormon ay hindi lamang sa araw ng Linggo; ito ay ginagawa araw-araw. Natutuwa akong dumalo sa isang klase kasama ang iba pang kababaihan sa aming simbahan sa lugar namin tuwing Miyerkules. Lalo naming natututuhan ang aming kaugnayan sa Diyos at kay Jesucristo, kung paano maging mas mabuting ina, at kaibigan sa komunidad, at madalas kaming nagtatawanan at umiiyak din paminsan-minsan! Kusa kong ibinibigay ang panahon ko sa kabataan ng Simbahan bilang lider sa Young Women. May aktibidad kami isang gabi sa isang linggo, may klase sa araw ng Linggo at may mga camping trip, sayawan, at iba pang nakatutuwang mga gawain. Tinuturuan namin ang mga babae na edad 12-18 kung paano pahalagahan ang sarili, kung paano ipamuhay ang kanilang pananampalataya, piliin ang mabuti, magtamo ng kaalaman, maglingkod sa kapwa, magkaroon ng integridad, managot sa kanilang mga desisyon, at masiyahan sa buhay. Napakalaking pagpapala nito. Ang isang paraan para manatiling matatag ang aming pananampalataya sa aming tahanan at manatiling nagkakaisa ay ang aming gabi ng pamilya tuwing Lunes ng gabi; ang tawag namin dito ay Family Home Evening. Pinag-uusapan namin ang nangyari sa buong linggo, binabasahan ang mga bata ng mga kuwento sa banal na kasulatan, na may kasunod na kasiyahan bilang pamilya, at kadalasan ay may kainan pa! Pagkatapos ng gabi, nagbabanggit kami ng isang magandang bagay na gusto namin tungkol sa isa’t isa; ito ang paboritong bahagi ng anak ko. Lalong napapasaya nito ang aming tahanan. Isang napakagandang bahagi ng pananampalataya ng Mormon ay ang paniniwala na magkakasama kami bilang isang pamilya sa kabilang-buhay—sa kawalang-hanggan. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay sa akin ng dagdag na determinasyong ipamuhay ang aking pananampalataya araw-araw sa pagiging mabuting ina, asawa, kapatid, anak, at kaibigan.