Lagpasan ang navigation
Miyembro
Pinahahalagahan
Paniniwala
Bisitahin Kami
FAQ
.
Makipag-usap sa Amin

Family History

Bakit Mahalaga ang Family History

Alam naming mga nasisiyahan sa paggawa ng family history kung gaano kasaya ito. Ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit kami ang may pinakamalaking genealogical library sa mundo at bakit 13 milyong Mormon ang hinihikayat na magsaliksik sa kanilang mga ninuno. Bagkus, hinihikayat kami ng aming doktrina na nagtuturo na ang pagsasama ng mag-asawa at mga pamilya ay maaaring magpatuloy sa kabilang-buhay. Ngunit mangyayari lamang ito kapag ang mga pamilya ay ibinuklod sa isa sa mga banal na templo ng Panginoon sa iba’t ibang panig ng mundo at pinagsama para sa buong kawalang-hanggan.

Mabuti iyan para sa lahat sa atin ngayon na may pagkakataong mabuklod sa templo, ngunit paano naman ang ating mga ninunong namatay nang walang pagkakataong matanggap ang mga ordenansang katulad ng binyag, o mga pagpapalang maging walang-hanggan ang pamilya? Makatwiran ba na basta sabihin na lang ng Diyos na, “Sayang, hindi ka sinuwerte?” Mangyari pa hindi iyon makatwiran. Nang itatag ni Cristo ang Kanyang Simbahan noong araw, kasama roon ang gawain para sa mga patay at sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa mga pumanaw na kamag-anak “Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila’y binabautismuhan dahil sa kanila?” (I Mga Taga Corinto 15:29). Kasama sa pagpapanumbalik ni Cristo ng kanyang orihinal na Simbahan sa lupa sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith ang sinaunang gawaing isagawa ang mga ordenansang ito para sa ating mga pumanaw na kamag-anak sa mga banal na templo. Kasama sa ebanghelyo ni Jesucristo ang mga pagpapala ring iyon sa mga banal na templo ngayon.

Ang genealogical o family history research ay mahalaga sa gawain sa templo para sa pumanaw nating mga ninuno. Ginagawa namin ito para makakuha ng mga pangalan at iba pang genealogical information upang maisagawa ang mga ordenansa sa templo para sa aming mga yumaong kamag-anak. Pagkatapos ay tinuturuan ng ebanghelyo ang aming mga ninuno sa daigdig ng mga espiritu at maipapasiya nilang tanggapin o tanggihan ang gawaing isinagawa para sa kanila. Minsan ay sinabi ni Mother Teresa na “kalungkutan at pakiramdam na walang nagmamahal sa iyo ang pinakamatinding kahirapan.” Ang isipin na ang matinding kalungkutang ito—ang pakiramdam na walang nagmamahal sa iyo at hindi kapiling ang mga mahal mo sa buhay—ay mangyayari hanggang sa kabilang-buhay ay talagang napakalungkot at isang bagay na mahahadlangan ng gawain sa templo.